Home » Archives » 13. September 2008
The Return Of Luntian Dino
September 13, 2008Nakita kita, nasa loob tayo ng jeep, tayo lang dalawa at naka pulang polo ka pa nun, at may hawak kang lollipop.
Nakatitig ka sa akin pero dedma ang tingin.
Lumingon ka para tignan ang ruta ng daanan.
Sa pangalawang pagkakataon, nahuli ko ang iyong mga matang pasulyap-sulyap ang tingin sa akin.
At akoy kinilig na para bang may isang green dinosaur sa aking tiyan.
Nakakapagpabagabag.
Nang sinubo mo na ang iyong lolipop, tinawag mo ang aking pangalan.
Napatingin ako, “Astrid, gusto mo ng lollipop?”, ang wika mo.
“Ay, sure!”, ang sabi ko.
At sinagot mo ko ng, “Ganun? Edi bumili ka!”. —–
Aba putangina, nakakagago lang.



/jammy
